Nagpalabas na ang Sandiganbayan ng Hold Departure Order (HDO) laban sa negosyanteng si Cedric Lee.
Ayon kay Sandiganbayan 3rd Division Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang, ito ay may kaugnayan sa kasong malversation at graft laban kay Lee.
Kinasuhan si Lee na nasangkot sa pambubugbog sa actor/TV host na si Vhong Navarro dahil sa umano’y maanomalyang P23.47 milyon na utang sa bangko para sa konstruksyon ng palengke sa Bataan.
By Meann Tanbio | Jill Resontoc (Patrol 7)