Nagpalabas ng hold departure order (HDO) ang Mamburao Regional Trial Court (RTC) laban sa mga crew members ng cargo vessel ng Hong Kong na bumangga sa fishing boat ng mga Pilipino.
Kinumpirma ito ni Philippine Coast Guard (PCG) Spokesman Commodore Armand Balilo matapos kasuhan ang mga nasabing crew members ng MV Vienna Wood.
Sinabi ni Balilo na isinampa nila ang HDO para matiyak na mananatili sa kustodiya ng bansa ang naturang bulk carrier at hindi makabalik ng China ang mga tripulante nito habang patuloy ang imbestigasyon sa insidente.
Ika-7 ng Hulyo nang matapos ang search and retrieval operations para sa 14 na Pinoy na sakay ng Liberty 5 na binangga ng nasabing cargo vessel ng Hong Kong.