Nagpalabas ng hold departure order ang Sandiganbayan 3rd Division laban kay dating Makati City Mayor Junjun Binay.
Ito ay kaugnay ng kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Falsification of Public Documents dahil sa pagpapatayo ng kontrobersyal na Makati City Hall Car Park Building.
Inatasan na ng Anti-Graft Court ang Bureau of Immigration (BI) na ipatupad ang travel ban laban kay Binay.
Bukod kay Binay, mayroon ding HDO ang 13 kapwa akusado nito na halos mga incumbent official ng Makati.
October 2015 nang suspendihin ng Office of the Ombudsman ang anak ni Vice President Jejomar Binay dahil sa naturang anomalya.
By Meann Tanbio | Jill Resontoc (Patrol 7)