May ikinakasa nang Christmas truce ang CPP-NPA.
Ito ayon kay National Democratic Front o NDF Chief Negotiator Luis Jalandoni ay bilang tugon sa idineklarang tigil-putukan ng Pangulong Rodrigo Duterte simula sa December 24 hanggang January 2, 2018.
Sinabi ni Jalandoni na bago pa man ang deklarasyon ng Pangulo, naka-plano na rin ang kanilang unilateral ceasefire na magsisimula naman sa December 23.
Gayunman, nilinaw ni Jalandoni na ang opisyal na deklarasyon nila ng tigil-putukan ay manggagaling sa liderato ng CPP-NPA-NDF sa Pilipinas.
Matatandaang kahapon ay inanunsyo ng Malacañang ang kautusan ng Pangulong Rodrigo Duterte na unilateral ceasefire sa komunistang grupo na epektibo mula Disyembre 24 hanggang Enero 2 sa susunod na taon.
—-