Pinaplantsa na ng gobyerno at ng CPP-NPA-NDF ang posibleng pagpapatupad ng Holiday Ceasefire para sa mapayapang pagselebra ng mga Pilipino ng Pasko at Bagong Taon.
Sinabi ni Government Peace Negotiator at Labor Secretary Silvestre Bello III, magpupulong ang ceasefire committee ng gobyerno at counterpart nito para magkaroon ng consensus sa tigil putukan.
Ang target na petsa para sa holiday ceasefire ay mula December 26 hanggang 29.
Ipinabatid ni Bello na umaasa ang gobyerno na itutuloy ito hanggang New Year.
Binigyang-diin ng kalihim na hangad ng Duterte Administration ay Bilateral Permanent Ceasefire kaya’t umaasang magkakasundo ang mga ito bago ang panibagong preliminary talks sa Roma sa January 18 hanggang 25.
By: Meann Tanbio / Aileen Taliping