Umaarangkada na sa EDSA ang mga bagong express bus na non-stop o walang tigil ang biyahe mula Quezon City at Mandaluyong hanggang Makati.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ito ang isa mga naisip nilang paraan upang mabawasan ang bigat ng trapiko sa EDSA.
Hinihikayat ng MMDA ang publiko na mag-bus na lamang sa halip na magmaneho gamit ang sariling sasakyan.
Matatagpuan ang mga express bus sa Trinoma, SM North EDSA at SM Megamall bus terminal.
Mula dito ay dadalhin ang mga pasahero deretso hanggang Park Square Ayala Center, Glorietta 5, at Park Square Terminal sa Makati City.
Maglalaro ang pamasahe sa express bus mula P50 hanggang P80 pesos.
Magtatagal ang holiday non-stop express bus na ito hanggang January 6 ng susunod na taon.
By Jonathan Andal