Pinayagan muna ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga kumpaniya na ipagpaliban muna ang pagbabayad ng holiday pay para sa kanilang mga empleyado.
Ito’y kasabay ng paglalabas ng holiday pay rules ng kagawaran kasabay ng pagdiriwang ng taunang Eid’l Fitr ng mga kapatid na Muslim sa Lunes, Mayo 25.
Batay sa inilabas na kautusan, makatatanggap pa rin ng 100% ng kaniyang arawang suweldo ang isang mangaggawa kahit hindi siya pumasok sa trabaho.
Subalit kailangang doblehin ito kung kinakailangang pumasok ng isang manggagawa sa trabaho at may karagdagang 30% sa bawat oras sakaling mag-overtime.
Pero paglilinaw ng DOLE, kailangang ibigay pa rin ng mga employer ang nasabing bayarin sa kanilang mga empleyado para sa Eid’l Fitr sakaling umayos na ang sitwasyon pagkatapos ng pandemya.