Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer hinggil sa holiday pay rules para sa araw na ito, Disyembre 8.
Ito’y kasabay ng pagdiriwang ng simbahang Katolika ng kapistahan ng Immaculate Conception o Kalinis- linisang Paglilihi sa Mahal na Birheng Maria.
Dahil deklaradong special non-working holiday ang araw na ito, ipatutupad ang no work, no pay policy para sa mga hindi papasok sa trabaho ngayong araw maliban na lang kung rest day.
Makatatanggap naman ng karagdagang 30% sa arawang suweldo ng mga manggagawa na papasok ngayong araw sa trabaho.
Kailangan namang dagdagan ng employer ng 30% ang suweldo ng manggagawa kung sakaling mag-overtime siya o magtrabaho lagpas sa itinakdang 8 oras.
Sakaling naka-day off at pinapasok sa trabaho, dapat bigyan ng dagdag na 50% ang mga manggagawang papasok sa kanilang trabaho sa basic pay.
Habang kailangang dagdagan din ang bayad ito ng 30% ng suweldo sakaling mag-overtime o lumagpas na sa 8 oras ang trabahong ginawa.