Pinaalalahanan ng DOLE o Department of Labor and Employment ang mga pribadong kumpaniya hinggil sa umiiral na holiday pay rules kasabay ng pagdiriwang ng National Heroes Day ngayong araw.
Batay sa holiday pay rules para sa regular holiday, makatatanggap 200 porsyento ang mga manggagawang magsisipasok sa trabaho sa unang walong oras.
Karagdagang 30 porsyento ng arawang sahod naman ang dapat ibigay sa mga empleyado kada oras kapag sila’y nag-overtime.
Kung day-off naman ang isang empleyado at pumasok sa araw na ito, dapat silang makatanggap ng 30 porsyento sa kanilang arawang sahod bukod pa sa double pay.
Habang karagdagang 30 porsyento naman ang dapat ibigay sa mga nag-cancel day off na empleyado kada oras ng kanilang pinasok sa trabaho bilang overtime.
By Jaymark Dagala