Muling inabisuhan ni Labor Sec. Rosalinda Baldoz ang mga employer sa pribadong sektor na tumalima sa holiday pay rules sa Araw ng Kalayaan.
Hinimok ni Baldoz ang mga employer na tumalima sa labor standards, partikular sa tamang pagbibigay ng sweldo sa mga empleyado na papasok sa susunod na Biyernes, Hunyo 12 na idineklarang holiday alinsunod sa Proclamation 831 ni Pangulong Noynoy Aquino.
Alinsunod sa June 12 pay rules ay dapat makatanggap ng 100% ng kanyang salary ang isang empleyadong hindi pumasok; kung nagtrabaho naman ay dapat makatanggap ito ng 200% ng regular salary sa unang walong oras.
Kung nag-overtime naman ay karagdagang 30% ang matatanggap nito sa sweldo. Kung papatak naman sa rest day ng empleyado ang Hunyo 12 subalit pumasok pa rin ay otomatikong babayaran ito ng dagdag 30 percent
At sa oras naman na nag-overtime kahit rest day sa naturang araw ay makatatanggap ang empleyado ng karagdagang 30% ng kanyang hourly rate.
By Drew Nacino