Muling nagpaalala ang DOLE o Department of Labor and Employment hinggil sa holiday pay rules para sa mga kumpanya.
Kaugnay ito sa paggunita ng sambayanan sa ika-31 anibersaryo ng EDSA People Power na deklarado bilang special non-working holiday.
Sa ilalim ng holiday pay rules ng DOLE, paiiralin sa nasabing petsa ang ‘No Work, No Pay Policy’.
Ngunit kung papasok, dapat makatanggap ng karagdagang 30% ang isang manggagawa sa kaniyang arawang sahod
Kung day off naman ng isang manggagawa at pinapasok siya sa nasabing petsa, dapat tumanggap ito ng 50% dagdag sa kaniyang arawang suweldo.
Bukod pa ito sa dagdag na 30% ng arawang sahod ng isang mangagawa sa bawat oras na kanilang ilalagi sa trabaho bilang overtime.
By Jaymark Dagala