Nagpalabas ng abiso ang Department of Labor and Employment hinggil sa tamang pasahod para sa mga manggagawang papasok bukas, Peberero 25 na deklarado bilang special non-working holiday.
Ito ay para sa paggunita sa ika-34 na anibersaryo ng 1986 EDSA People Power Revolution.
Ayon sa DOLE, karagdang 30% ng arawang sahod ang matatanggap ng mga manggagawa para sa kanilang unang walong oras sa trabaho.
Habang may karagdagan namang 30% ng kanilang hourly rate ang mga manggagawang mag-o-overtime.
Sakali namang tumapat ito sa rest day ng empleyado pero pumasok pa rin sa trabaho, makatatanggap naman ito ng karagdagang 50% ng kanyang arawang sahod at dagdag pang 30% ng hourly rate kung lalagpas ng walong oras.
Dagdag ng DOLE, ipatutupad naman ang no work no pay sa mga hindi magtatrabaho bukas maliban na lamang kung may umiiral na polisiya sa kumpanya kaugnay ng pagpapasahod sa mga deklaradong special non-working holiday.