Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na lumapit sa kaniya ang pamilya Marcos upang hilinging gawing holiday sa Ilocos Norte ang kaarawa ng yumaong dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Iyan ang inihayag ng Pangulo sa harap na rin ng mga batikos sa kaniya kung bakit ginawang holiday sa Ilocos Norte ang pagdiriwang ng sentenaryo ng kapanganakan ng yumaong dating Pangulo ngayong araw, Setyembre 11.
Paliwanag ng Pangulo, humihirit din sa kaniya maging ang mga taga-Pampanga para gawin namang holiday sa kanilang lalawigan ang birthday ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at hindi aniya malabong pagbigyan niya iyon.
Kasunod nito, binanatan ng Pangulo ang mga nasa oposisyon partikular na iyong mga tinaguriang dilawan dahil sa aniya’y hindi magising sa anino ng kahapon.
—-