Magpapatupad ng pagbabago sa kanilang operasyon ang tatlong malalaking shopping malls sa Metro Manila ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Ito’y bilang bahagi ng pakikiisa ng mga mall operators sa panawagan ng Metro Manila Development Authority o MMDA upang makatulong mabawasan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko.
Kabilang sa mga naglabas ng kanilang operating hours ay ang Ayala Malls partikular ang Trinoma, Glorietta gayundin ang Robinson’s Galleria.
Samantala, inaasahan nang maglalabas ng kanilang sariling holiday schedule ang SM Malls sa mga susunod na araw.
By Jaymark Dagala