Dismayado ang zero waste advocacy group na Ecowaste Coalition sa Holiday trash o basura na nagkalat sa mga kalsada ng Metro Manila matapos ang selebrasyon ng Bagong Taon.
Ayon sa grupo, napuno pa rin ng mga halo-halong basura gaya ng food waste, disposable beverage, food containers at firecracker debris ang ilang residential area maging ang market areas sa Manila, Pasay, at Quezon City sa kabila ng kanilang paulit-ulit na paalala.
Samantala, hiniling ng ecowaste group sa mga lokal na pamahalaan na paigtingin ang pagpapatupad ng Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act, lalo na ang implementasyon ng waste separation at pagtatayo ng materials recovery facilities o MRFs.