Magreretiro na sa paggawa ng pelikula ang Hollywood comedian na si Jim Carrey.
Ayon sa aktor, magpapahinga muna siya sa paggawa ng pelikula at pagtutuunan muna ng pansin ang pagpipinta.
Aniya, magbabago lamang ang kaniyang isip kung may isang anghel na kumausap sa kaniya at magdala ng script na nakasulat sa Gintong Pluma.
Sapat naman para sa aktor ang mga nagawa niyang pelikula.
Si Carrey ay naging nominado sa British Academy Film Awards at Grammy Awards noong 2005 at 2006.
Sumikat ito sa pagganap sa pelikulang “The Mask” noong 1994; “The Truman Show” noong 1998 at maraming iba pa. —sa panulat ni Abby Malanday