Napagkasunduan nang mag-divorce ng Hollywood couple na sina Ben Affleck at Jennifer Garner.
Inanunsyo nina Ben at Jen ang kanilang divorce isang araw makalipas ang ika-sampung anibersaryo ng kanilang kasal.
Matatandaang noong Mayo ay nagkaroon na ng mga bali-balitang magkahiwalay na ang dalawa at hindi na sinusuot ni Ben ang kanyang wedding ring.
Ayon sa ilang mga hollywood tabloids, nagka-midlife crisis umano si Ben at mayroon ding problema sa pagsusugal.
Tatlo ang anak nina Ben at Jennifer, edad 9, 6, at 3 taong gulang.
By Avee Devierte