Wala na ngang forever para sa pagsasama ng Hollywood power couple na sina Brad Pitt at Angelina Jolie.
Ito ay matapos na mag-file ng divorce si Angelina sa kanyang asawa dahil umano sa irreconcilable differences.
Hiniling ni Angelina sa korte ang physical custody sa kanilang anim na anak at bigyan lamang ng visitation rights si Brad.
Ayon sa ilang sources, kabilang sa naging dahilan ni Angelina para hiwalayan ang asawa ay ang weed addiction, alcohol abuse at anger problem nito na sinasabing nagbibigay na ng panganib sa kanilang mga anak.
Bagama’t may lumulutang na pangalan ng di umano’y ibang babae ni Brad na naging dahilan ng hiwalayan ay hindi naman ito binanggit sa naging reklamo ni Angelina.
Matatandaang naging magkarelasyon ang dalawa matapos na ma-develop habang ginagawa ang pelikulang Mr. and Mrs. Smith noong 2004 at matapos ang 10 taong pagsasama ay nagpakasal naman ang dalawa noong 2014.
By Rianne Briones