Ipinagbabawal na ang home quarantine para sa mga positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Cebu City.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, ang lahat ng magpopositibo sa COVID-19 ay dadalhin sa official quarantine facilities ng Cebu City.
Layon nito anya na maiwasan ang pagkalat ng virus dahil sa kabiguan ng ilang mga naka-home quarantine na sumunod sa protocols.
Kumbinsido si Año na matatanggal sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Cebu City sa loob lang ng dalawang linggo kung lubos ang kooperasyon ng lahat ng mamamayan sa syudad.