Pinatatanggalan din ng homework ang mga guro.
Ayon kay House Deputy Speaker at Basilan Congressman Mujiv Hataman kailangan munang ayusin ang gabundok aniyang clerical work at reports ng mga guro kung talagang isinusulong ang ‘no homework policy’ para sa mga estudyante.
Marami aniyang inuuwing trabaho ang mga guro sa na nakakadagdag pa sa kaniyang tungkulin sa bahay.
Dahil dito iginiit ni Hataman ang pag repaso sa mga polisiya at tingnan kung tama pa ba ang dami ng reports na ipinagagawa sa teaching personnel o nakakasagabal na ito sa pagtuturo.
Subalit nilinaw ni Hataman na walang masama sa paggawa ng reports para ma-monitor ang performance ng isang guro basta’t hindi ito mawawalan ng oras sa pamilya lalo na tuwing sabado at linggo kung kailan tambak din ang trabaho sa bahay.
Hinimok ni Hataman ang Department of Education (DepEd) na solusyunan ang usapin sa workload ng mga guro sa pamamagitan nang pagbabawas ng reports o pagdadagdag ng tauhan para gawin ang trabaho.