Nilinaw ni Pope Francis na hindi isang krimen o kasalanan ang homosexuality o yung mga taong inlove sa kapareho nilang kasarian gaya ng lesbian at gay.
Ayon sa Santo Papa, ang kriminalisasyon ay walang magandang idudulot at hindi makatarungan sa tao.
Iginiit ni Pope Francis na maaaring maging kasalanan ng isang tao ay ang sekswal na gawain ng mga taong hiwalay na sa kanilang asawa kahit pa sila ay kasal sa simbahang katoliko.
Sinabi din ng Santo Papa na kasalanan din ang kawalan ng pagmamahal sa isa’t isa.