Hindi kumporme si Senate Committee on National Defense and Security Gringo Honasan sa tila pagtatakda ng deadline DND o Department of Defense at AFP o Armed Forces of the Philippines kung kailan matatapos ang Marawi Crisis.
Ayon kay Honasan, hindi praktikal at mahirap tantsahin kung kailangan tuluyang masusugpo ang Maute Group lalo na’t itinuturing na ang mga ito bilang mga terorista.
Ito aniya ay dahil walang malinaw na physical boundaries ang grupo na nabuo sa iba’t ibang dahilan tulad ng kanilang kakaibang ideyolohiya, kahirapan at kultura.
Una nang sinabi ng DND at AFP na kanilang inaasahang matatapos na ang kaguluhan sa Marawi City bago ang SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 24.
By Krista De Dios | With Report from Cely Bueno / Jonathan Andal
Honasan hindi kumporme sa ibinibigay na deadline kung kalian matatapos ang Marawi Crisis was last modified: June 28th, 2017 by DWIZ 882