Tiniyak ng Senado na hindi bibigyan ng ispesyal na pagtrato si dating senador at ngayo’y Department of Information and Communications Technology (DICT) Sec. Gregorio Honasan sa gagawing imbestigasyon kaugnay sa umano’y P300-milyong intelligence funds sa kaniyang tanggapan.
Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, wala aniyang sinuman ang nakatataas sa batas.
Ani Zubiri, bagama’t malapit sa kanila si Honasan ay hindi nila ito pagtatakpan sakaling may mapatunayan kaugnay sa nasabing alegasyon.
Una rito naghain sina Zubiri, Senate President Vicento Sotto III at Sen. Panfilo Lacson ng senate resolution 310 para sa pagtatag ng senate select oversight committee on intelligence and confidential funds matapos magbitiw si dating DICT undersecretary Eliseo Rio na kumuwestiyon sa nasabing pondo.