Hindi pa kumpirmado kung itatalagang pinuno ng Department of Information and Communications Technology (DICT) si Senador Gregorio Honasan kapag natapos na ang termino nito sa Hunyo 2019.
Ayon ito kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, dahil wala naman aniyang sinasabi sa kaniya ang Pangulong Rodrigo Duterte hinggil dito.
Sakali mang maitalaga bilang DICT secretary si Honasan ay ika-walo na sa mga cabinet appointee ng pangulo mula sa militar.
Si Honasan ay nagsilbing senador mula 1995 hanggang 2001, mula 2007 hanggang 2013 at mula 2013 hanggang 2019.
Tumakbo si Honasan bilang vice president nuong 2016 elections subalit natalo kay dating Rep. Leni Robredo.