Walang nakikitang problema si Senador Gringo Honasan sa plano ng kapwa senador na si Richard Gordon na muling imbestigahan ang Mamasapano incident at ipatawag si dating Pangulong Noynoy Aquino.
Ayon kay Honasan nasa kamay na ni Gordon kung magpapasyang muling buksan ang imbestigasyon kaugnay ng insidente dahil ito ang pinuno ng blue ribbon at justice committee.
Aniya, hangga’t masusunod ang due process, rule of law at mga kaukulang regulasyon ay walang problema sa plano ni Gordon.
Una rito, ilang senador na rin ang nagpahayag na walang pangangailangan sa muling pagbubukas ng imbestigasyon sa Mamasapano incident na ikinamatay ng apatnaput apat (44) na SAF Commandos.
- Krista De Dios | Story from Cely Bueno