Kontaminadong muli ng red tide ang Honda Bay sa Puerto Princesa, Palawan.
Dahil dito, sinabi ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR Director Eduardo Gongona na mahigpit muling ipinagbabawal ang paghango at pagkain ng mga lamang dagat sa naturang baybayin.
Matatandaang kamakailan lamang ay idineklara na ng BFAR na ligtas sa red tide toxins ang Honda Bay.
Samantala, batay naman sa pinakahuling shellfish bulletin na inilabas ng BFAR, ligtas naman na sa red tide ang Irong-Irong Bay sa Western Samar.
—-