Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang ilang parte ng Honduras kahapon.
Partikular itong naramdaman sa hilagang bahagi ng Honduras.
Ayon sa United States Geological Survey, naitala ang episentro ng lindol sa layong 38 kilometro hilaga hilagang-silangan ng bayan ng Tela sa Caribbean.
May lalim ang pagyanig na 10 kilometro.
Sa ngayon, bagaman walang naitalang nasugatan o nasira ang lindol ay tiniyak ni Oscar Triminio, tagapagsalita ng Honduras Firefighters Organization, ang pagmonitor nila sa sitwasyon.