Inimbitahan umano ni US First Lady Melania Trump ang common law wife ng Pangulong Rodrigo Duterte na si Honeylet Avanceña kaya’t nasa New York ito.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na personal ang biyahe ni Avancenia pa New York dahil sa imbitasyon ni First Lady Trump at hindi ito bahagi ng Philippine Contingent sa UN General Assembly.
Sa isang report sa telebisyon sinabing nakita si Avanceña na nanunuod ng Miss Saigon sa Broadway.
—-