Nagpatuloy ngayon ang operasyon ng Hong Kong airport matapos itong isara dahil sa rally ng pro-democracy protesters.
Batay sa report ng Agence France, nagpasya ang tigapamahala ng Hong Kong airport na ituloy na ang kanilang operasyon matapos na mag uwian na ang mga nagkikilos protesta.
Gayunman, naka antabay pa rin ang pamunuan ng airport dahil magbabalik di umano ngayong gabi ang mga raliyista.
Samantala, ini-anunsyo ng Hong Kong airport ang pagpapatupad ng flight re-scheduling.
Kasunod ito ng pahayag ng China na ang pagsasara ng Hong Kong airport ay pagpapakita na mayroong terorismong nagaganap doon.