Inihayag ng Philippine Consulate General sa Hong Kong na mananagot ang mga employer sa pagpapaalis ng mga manggagawang pilipino na nagpositibo sa COVID-19 habang nahaharap sa surge ng impeksyon ang Chinese City.
Sinabi ni Consul General Raly Tejada na “i-bablacklist” ng pilipinas ang mga employer na magteterminate ng kontrata sa mga nasabing manggagawa na nagkaroon ng respiratory illness.
Matatandaang nailigtas ng konsulado ang aabot sa sampung manggagawang pinoy na napilitang matulog sa labas matapos tanggalin ng mga employer dahil sa pagpopositibo sa COVID-19.
Kasalukuyang nakasailalim sa COVID-19 outbreak ang Hong Kong dahil sa nakakahawang omicron variant. – sa panulat ni Airiam Sancho