Dapat nang ilagay ang Hong Kong sa yellow o red list matapos ang pagkakadiskubre sa bagong COVID-19 variant na pinangangambahang hindi gaanong tinatalaban ng bakuna.
Ito ang inirekomenda ni national task force against covid-19 adviser, dr. Ted herbosa sa inter-agency task force.
Kabilang ang hong kong sa “green list” areas na itinuturing na low risk sa COVID-19 transmission kung saan maaari nang hindi sumailalim sa facility quarantine ang fully-vaccinated na biyahero mula sa bansang ito.
Nitong Huwebes ay inanunsyo ng mga siyentista mula sa South Africa na may nadiskubre silang bagong variant na tinatawag na B.1.1.529, na may multiple mutations.
Natuklasan ang naturang variant sa botswana at Hong Kong sa mga biyahero mula sa South Africa.—mula sa panulat ni Drew Nacino