Humingi ng paumanhin si Hongkong Leader Carrie Lam sa Muslim community matapos tamaan ng water cannon ng pulisya ang isang Mosque sa Hong Kong sa kasagsagan ng marahas na kilos protesta kahapon.
Personal na binisita ni Lam ang Mosque sa Kowloon District ngayong araw bago siya lumipad patungong Japan para dumalo sa enthronement ceremony ni Emperor Naruhito.
Batay rin sa ulat, ipinag utos na ng Hong Kong authorities ang paglilinis sa mga kalat at dumi na resulta ng bayolenteng kilos protesta.
Kahapon, idineklara ng Hong Kong police na iligal ang isinagawang demonstrasyon ng libu-libong mga raliyista kung saan ginamitan na ng mga tear gas at water cannon trucks ang mga ito.