Pinaplano na ng Hong Kong na alisin ang flight ban sa siyam na sa bansa, kabilang ang Pilipinas pagsapit ng Abril.
Maliban pa ito sa pagbawas sa tagal ng quarantine para sa mga turista mula sa abroad at pagbubukas ng mga paaralan.
Ayon kay chief executive Carrie Lam, magaganap ang flight ban mula Abril 1, habang magiging pitong araw na lamang ang quarantine para sa mga arrivals mula sa 14 na araw kung negatibo sa test.
Magbubukas naman ang mga paaralan simula Abril 19, habang ang mga sports facilities ay bubuksan na mula Abril 21.
Simula pa noong 2020 isinara ng Hong Kong ang borders nito para sa mga dayuhan sa gitna ng COVID-19 pandemic.—sa panulat ni Abby Malanday