Inihayag ng Hong Kong government na tatanggalin na nila ang mandatoryong hotel quarantine para sa mga dayuhang pumapasok sa kanilang bansa.
Ayon kay chief executive John Lee, tatanggalin na nila ang tatlong araw na mandatory quarantine partikular para sa mga dayuhang nanggagaling sa Taiwan at iba pang bansa.
Pero mananatili pa aniya ang RT-PCR test sa mga dayuhan at hindi pa rin sila puwedeng magtungo sa mga bars sa loob ng tatlong araw.
Samantala, malaking ginhawa naman para sa mga residente ng Hong Kong ang nangyari dahil mas lalong uunlad ang kanilang ekonomiya na malaking tulong sa mga negosyo.