Itinaas na ang Signal Number 8 sa Hongkong at Macau dahil sa bagyong Pakhar na siyang international name ng Bagyong Jolina.
Sa gitna ito ng pagbangon ng dalawang syudad mula sa pananalasa ng bagyong Hato na pumatay ng 10 katao at sumira ng mga imprastraktura apat na araw lamang ang nakararaan.
Ayon sa Hongkong Weather Observatory, ramdam na doon ang malalakas na ihip ng hangin at buhos ng ulan dulot ng Bagyong Pakhar.
Naglabas na rin ng babala ang mga otoridad laban sa posibleng matinding pagabha sa mga mabababang lugar.
Kinansela na rin ang higit 100 byahe ng eroplano sa Hongkong.
By: Jonathan Andal
SMW: RPE