Umapela ang isang grupo ng mga guro sa Pangulong Rodrigo Duterte na huwag nang pabuwisan ang tatanggapin nilang honararium at travel allowance para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Ayon kay Benjo Basas, lider ng Teachers Dignity Coalition, buwis buhay na ang mga guro na nagsisilbi sa eleksyon kaya’t sanay huwag na nila itong patawan ng limang porsyentong buwis.
Sinabi ni Basas na hindi na sila humihingi ng dagdag na honorarium sa pamahalaan subalit sanay mapagbigyan ng pamahalaan ang kanilang kahilingan.
—-