Hindi itataas ang honorarium ng mga gurong magsisilbing board of election inspectors (BEI) para sa May 2016 elections.
Batay sa Commission on Elections (COMELEC) resolution ang lahat ng BEI chairpersons at members ay makakatanggap ng tig-P1,000 kada araw o kabuuang P3,000 para sa tatlong araw.
Ang bawat guro ay makakatanggap din ng dagdag na P500 para sa verification at pag-seal sa book of voters gayundin sa final testing at sealing ng Vote Counting Machines bukod pa sa transportation allowance.
Una nang inihayag ni COMELEC Chairman Andres Bautista na pinag-aaralan nila ang posibilidad na bigyan ng dagdag na bayad ang mga guro kahit pa limitado ang budget mula sa Department of Budget and Management (DBM).
By Judith Larino