Nakahanda na ang tatanggaping honorarium ng mga gurong magsisilbi sa darating na May 13 midterm elections.
Ito ang siniguro ng COMELEC o Commission on Elections isang linggo bago ang eleksiyon.
Ayon kay COMELEC Project Management Office Deputy Project Director Teopisto Elnas, na i-release na ang pondo sa kanilang mga election officers sa bawat syudad at munisipalidad sa bansa.
Sa halip na sa cash card tulad dati, cash nang matatanggap ng mga guro ang kanilang allowance.
Batay sa ESRA o Election Service Reform Act, 6,000 piso ang tatanggapin ng chairperson ng electoral boards, 5,000 para sa miyembro ng electoral board, 4,000 para sa department of education supervisor official at 2,000 piso para sa support staff.