Sinelyuhan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11768 na magbibigay ng buwanang honorarium sa mga miyembro ng Sangguniang Kabataan (SK).
Alinsunod sa batas, ang SK Chairman ay bibigyan ng parehong pribilehiyong tinatanggap ng iba pang opisyal ng Sangguniang Barangay.
Tatanggap din ang SK members, treasurers at secretary ng honorarium kada buwan na huhugutin sa SK funds at hindi sosobra sa buwanang kompensasyon na tinatanggap ng kanilang chairperson.
Maaari namang magdagdag ang lokal na pamahalaan ng honorarium at social welfare contributions at hazard pay sa SK chairperson at elected at appointed members sa pamamagitan ng kanilang sariling lokal na ordinansa na dapat sumailalim sa Post Audit Jurisdiction ng COA