Hinikayat ng isang senador ang Armed Forces of the Philippines o AFP na tumulong upang mawala ang stigma sa pagpapasuri ng estadong pang kaisipan o mental health ng mga sundalo.
Ayon kay Senador Risa Hontiveros, author ng Mental Health Law, kalimitang lumalala ang kondisyon ng ilang sundalo na mayroong PTSD o Post Traumatic Stress Disorder dahil ayaw magpa check-up sa takot na makantyawan ng kanilang mga kapwa sundalo.
Matatandaan na matapos ang ‘Marawi siege’, nasa 23 sundalo ang ipinasok sa V. Luna General Hospital at AFP Medical Center dahil sa PTSD.