Hinihimok ni Senador Risa Hontiveros ang publiko partikular ang mga hindi pa rehistrado na samantalahin ang isang buwang extension sa voters registration.
Ito ayon kay Hontiveros ay para makalahok ang publiko sa 2022 election at makapili ng mga nais mamuno sa bansa.
Itinuturing ni Hontiveros na tagumpay para sa mga mamamayang Pilipino ang desisyong palawigin ang voters’ registration na aniya’y naaayon sa diwa ng demokrasya.
Ngayong may pandemya, binigyang diin ni Hontiveros na mahalagang ma protektahan ang karapatang makilahok sa proseso ng eleksyon.