Hinimok ni Senadora Risa Hontiveros ang Department of Health o DOH na gayahin ang oplan alis disease program ng ahensiya sa ilalim ng pamumuno ni noo’y health secretary at yumaong senador Juan Flavier.
Ito ay matapos magpahayag ng pagkaalarma si Hontiveros sa muling panunumbalik ng polio sa bansa matapos ang 19 na taon.
Ayon kay Hontiveros, ang tagumpay ng oplan alis disease o kampanya para sa malawakang pagbabakuna kaya tuluyang napuksa ang sakit na polio sa kauna-unahang pagkakataon at maideklarang polio free ang Pilipinas noong 2000.
Iginiit din ng senadora na naging matagumpay ang programa dahil sa pagtutulungan ng publiko at pribadong sektor gayundin ng civic organizations.
Binigyang diin naman ni Hontiveros na nakakaalarma ang pagbabalik ng polio hindi lamang dahil sa panganib na maidudulot nito sa mga komunidad kundi dahil maaari na itong mapigilan ngayong 21st century.