Iminungkahi ni Senador Risa Hontiveros na gamitin na lamang ang dagdag na P2-B confidential at intelligence funds ng Office of the President para matulungan ang libu – libong Pilipinong apektado ng dengue epidemic sa bansa.
Ito ay matapos na kumpirmahin ng Department of Health (DOH) na umakyat na sa 250,00 ang nagkasakit ng dengue ngayong taon kung saan mahigit 1,000 ang nasawi.
Ayon kay Hontiveros, sa gitna ng epidemya ng dengue ay dapat na mas malaking pondo ang ilaan sa pagtugon sa nararanasang health crisis.
Mahalaga aniyang mabigyan ng financial support ang mga DOH hospital at local government units para sa epektibong pagtugon sa dengue epidemic.