Nakatakdang sampahan ng kaso sa Office of the Ombudsman si Senadora Risa Hontiveros anumang araw ngayong linggo.
Nasa likod ng ihahaing reklamo laban sa senadora ay si dating Negros Oriental Representative Jacinto Paras at grupong VACC o Volunteers Against Crime and Corruption.
Batay ang reklamo sa pagtatago umano ni Hontiveros at ng mga kasama nito sa tatlong magkakapatid na menor de edad na saksi umano sa pagkamatay ni Kian Loyd Delos Santos.
Nahaharap sa kasong kidnapping si Hontiveros dahil tumanggi umano ang senadora na ibalik ang mga bata sa kanilang mga magulang nang binabawi na ito sa kanya.
Sa halip ay itinurn-over ni Hontiveros ang naturang mga bata sa kustodiya ni Caloocan Bishop Pablo David.
—-