Nanganganib magkaroon ng public health crisis sa bansa.
Ibinabala ito ni Senador Risa Hontiveros sa harap aniya ng multiple health crisis o maramihang krisis na pangkalusugan na hinaharap ngayon ng bansa.
Tinukoy ni Hontiveros ang teenage pregnancy kung saan mahigit 500 kabataang babae ang ‘di umano’y nanganganak araw-araw ang pagtaas ng kaso ng HIV/AIDS na pinakamataas sa Asia Pacific Region at ang kabi-kabilang outbreaks ng mga sakit tulad ng measles, dengue at iba pa.
Ayon kay Hontiveros sa mga ganitong pagkakataon, kailangang makabuo ng comprehensive package of solutions ang pamahalaan at ang kongreso upang hindi mauwi sa public health crisis ang kasalukuyang sitwasyon.