Pinababawi ni Senadora Risa Hontiveros sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ang inilabas nitong memorandum na nag-uutos sa mga onlines sellers na magparehistro at magbayad ng buwis.
Ayon kay Hontiveros, nagdulot lamang ng kalituhan sa mga online seller ang inilabas na panuntunan ng Department of Trade and Industry (DTI).
Binigyang paglilinaw kasi ng DTI na exempted na sa pagbabayad ng buwis ang maliliit na negosyo at tanging ang mga may kita lamang na P250,000 pataas ang papatawan ng buwis.
Giit ni Hontiveros, mas makabubuting magdeklara muna ang BIR ng moratorium sa pagpaparehistro ng online sellers at bawiin muna ang mga inilabas na panuntunan habang nasa gitna tayo ng krisis.
Sakaling magtutuluy-tuloy ang mandato ng BIR sa mga online sellers, tinatayang aabot sa P2,260 ang magagastos ng mga ito sa pagsunod sa lahat ng documentary requirements ng BIR.