Mariing iginiit ni Senadora Risa Hontiveros na hindi alipin ng mga lalaki ang mga babae.
Kasunod ito ng pahayag ni TESDA Director General Guiling Mamondiong na wala ng oras ang mga babae sa kanilang mga mister dahil malalakas at makapangyarihan na ang mga babae sa ngayon.
Sinabi ni Hontiveros na tila luma na ang pananaw ni Momondiong tungkol sa mga babae at gender relations.
Wala, aniya, sa mga karapatan ng mga lalaki na magdikta kung ano ang papel na dapat gampanan ng mga babae sa tahanan.
Kaugnay nito, hiniling ni Hontiveros kay Mamondiong na linawin ang kanyang pahayag at pananaw ukol sa mga babae.
By Avee Devierte |With Report from Cely Bueno