Inilunsad ng KonsultaMD ang HOPLINE na bahagi ng mobile app na HealthNow na naglalayong makinig at magbigay pag-asa sa mga taong nakararanas ng suliranin sa kanilang kaisipan ngayong panahon ng pandemiya.
Kaya naman, katuwang ang Telecommunications Company na Globe, libre itong maibibigay sa publiko bilang pakikiisa sa World Mental Health Day na proyekto ng World Health Organization tuwing Oktubre 10 na naglalayong isulong ang kamalayan sa mga isyu tungkol sa mental health sa buong mundo.
Nakibahagi rin ang Globe sa “Light Up Blue for Mental Health!” ng National Mental Health Week at Philippine Mental Health Association sa pamamagitan ng pagsindi ng lobby chandelier sa corporate headquarters ng Globe. Ipinaalala nito sa mga tao na hindi sila nag-iisa sa kanilang mental health journey sapagkat sa bawat sulok ng mundo ay mga kuwento ng pag-asa.
Maaaring makakuha rin ng libreng health plan for one month na may 24/7 unlimited access sa mga doktor ng KonsultaMD hanggang Oktubre 31. Para ma-avail ang promo, i-download ang KonsultaMD app at gamitin ang voucher code BEKINDTOYOURMIND.
Nakikipag-ugnayan din ang Globe sa maraming organisasyon para hikayatin ang mga taong dumaranas ng mga mental health issues na humingi ng tulong. Kabilang dito ang HOPELINE na nag-aalok ng libreng suporta 24/7 sa pamamagitan ng 2919 (toll-free para sa lahat ng Globe at TM subscribers), (02) 804-HOPE (4673), o 0917 558 HOPE (4673).