Nakatakdang busisiin ng Department of Budget and Management o DBM ang ‘Horizon 2’ ng modernization program ng Armed Forces of the Philippines.
Ayon kay Department of National Defense o DND spokesperson Arsenio Andolong, sa ganitong paraan ay malalaman kung anong ‘platform’ ang ipaprayoridad o unang bibilhin.
Kung kakailanganin, sinabi ni Andolong na babawasan ng DND ang bilang ng mga equipment para sa programa upang maging akma sa 300 bilyong pisong pondo na nakasaad sa procurement plan ng militar para sa taong 2018 hanggang 2022.
Magugunitang sa ‘Horizon 1’ na unang ipinatupad mula 2013 hanggang 2017 ay nakabili ang AFP ng tatlong del pilar-class frigates, labing-dalawang light-lift interim fighters, dalawang strategic sealift vessels at iba pa.
Sinasabing magkakaroon din ng ‘Horizon 3’ ang modernisasyon ng AFP at ipatutupad ito mula 2023 hanggang 2028.