Nanawagan ng in-kind donation ang Hospicio de San Jose sa Maynila matapos itong isailalim sa lockdown at makapagtala ng 23 kaso ng COVID-19 sa loob ng bahay ampunan.
Ayon kay Jenebeth Paniterce, 15 miyembro ng health staff, 6 na nakatatanda at dalawang estudyanteng volunteer ang dinapuan ng COVID-19 simula nang umarangkada ang COVID-19 testing sa ampunan nitong Abril 15.
Samantala, tatlo sa mga nagpositibo ay isinugod na sa ospital habang nasawi naman ang isang senior citizen.
Para sa kaligtasan ng mga residente, hindi muna pinahihintulutang lumabas ang mga nasa Isla de Convalecencia habang umaarangkada pa ang COVID-19 testing sa 450 katao sa compound.
Bunsod nito humihingi ng tulong ang Hospicio de San Jose para sa kanilang makakain sa araw-araw.
Sa mga nais magdonate maaaring magpadala ng inyong tulong sa;
SISTER MARCELITA CATARINA D.C.
HOSPICIO DE SAN JOSE
Ayala Bridge, Quiapo, San Miguel, Manila
Mobile No.:
+63 908 865 0251
+63 945 481 8930
E-mail address:
mspg.evidente@gmail.com
Habang sa mga nagnanais namang magpadala ng tulong sa kanilang bank account mangyari lamang ipadala ang kopya ng deposit slip sa mspg.evidente@gmail.com. para sa Official Receipt (OR).
BPI, M.H.DEL PILAR BRANCH,
HOSPICIO DE SAN JOSE,
8103-0986-62
METROBANK, U.N. AVE.
HOSPICIO DE SAN JOSE
175-3-17550678-1